Para Sa Tunay Na Kabarangay

NOTE: Pasensya na po sa Tagalog kong baluktot. I’m trying really hard. Basta lahat gagawin para sa Ginebra!

Sa barangay ng magkakabarkada
Buong bansa’y magkakakilala
Dumadagundong ang sigaw ng masa
Hanggang ngayon ay Ginebrang Ginebra

-Ginebrang Ginebra by Gary Grenada

Sa mga kapwa kabarangay,

TALO. Sa isang d inaasahang pagkakataon, talo nanaman tayo. Ano ba yan. Pero never say die nga naman diba? Miski na. Ang sakit kaya. Tagos na tagos. Lalo na nung sobrang kampante ka na mananalo na, kasi nakakalamang na eh. Yung halos abot kapit bahay na yung sigaw mo kasi pumapasok na mga tres nila Miller, John Wilson (BTW,ang gwapo ni Wilson!), Labagala. Yung napapatalon ka na kasi pakiramdam mo na aabot pa ng Game 7.

Tapos yun pala hindi. Wala na. Wala nang game 7.

Hindi ko na ikekwento yung “play-by-play” mismo. D ko na imemention yung buong game. Kung sinong mga naka tres, naka steal, naka rebound. Kasi malamang halos lahat naman tayo nanuod nung Game 6 diba? At isa pa, ang sakit nang balikan. (Ano daw? Haha!)

Ayun nga. Talo na nga. Wala naman na tayong magagawa diba? Basta ang importante ginawa ng Kings lahat ng makakaya nila. Kahit papano, pinakita naman nilang lahat yun eh. Bawat block ni Hatfield, tres ni Intal, hook shot ni Menk at mura ni Caguioa sa referee (HAHA! Joke lang mga repa šŸ˜€ ). Pero ramdam naman nating lahat yung Never Say Die spirit ng Ginebra hindi lang nung Game 6 kundi sa buong series. Alam naman natin na hindi nila tayo binigo. At lumaban talaga sila hanggang sa huling segundo dun sa nakakapikong overtime na yun.

Pero wag na tayong malungkot mga Kabarangay. Kahit gaano pa tayong napikon, naiyak, napamura, napasigaw, nambato (ehem*) o kung ano man, isipin nalang natin na bilog ang bola at mapapasatin din yang trophy na yan sa takdang panahon. Kasi d naman hamak na team lang ang Ginebra diba? Lahi ng champions tong team na to. Mas matanda pa nga sakin yung never say die legacy nila eh. Onting intay lang, tignan niyo. Champion nanaman tayo.

Hindi ko na to papahabain pa. Unang una kasi antok na ko at madaling araw na. Isa pa, sa tingin ko naman,…um, I’ve made my point pretty clear na. Na kahit nilampaso pa tayo ng Talk N Text sa finals, kahit hindi na shoot ni Labagala yung huling shot bago mag O.T. , kahit gustong gusto ko nang sabunutan si Caguioa kasi d pumapasok mga tira niya, kahit minsan medyo (onti lang naman) hindi namamasa si Cortez, kahit ang sarap nang itulak ni JayJay Helterbrand at Enrico Villanueva sa court AT kahit ang sarap nang batuhin yung caoching staff dahil OT na d pa din pinapasok si Yancy. Maka isang katutak pang missed free throws, missed three point attempts at kung ano mang pagkakamali na nagawa ng Kings, isa lang ang masasabi ko:

MANALO MATALO NEVER SAY DIE, SOLID AT DIE-HARD GINEBRA PA DIN!!!

At kung tunay kang Kabarangay, malamang yan din ang nasa isip mo. Diba? (:

Photo Source:Ā http://www.bing.com/images/search?q=barangay+ginebra+kings&view=detail&id=07591EDA82CC31864C62E8A8659B2AA33851AA7B&first=0&FORM=IDFRIR

Advertisements

17 thoughts on “Para Sa Tunay Na Kabarangay

  1. ang pinagtataka ko lang bakit hindi pinapasok si yancy de ocampo ni coach uchico samantalang nung semi final against smart gilas ang ganda ng nilaro niya at matanggad siya at 6’9″ bakit kaya

    • Tama… halos murahin ko na ci couch uichico sa tv pra papasukin nya ci yancy .. grrr. ung isang wilson lge pinappsok nya wla nmg gnAWA puro fOUl.. dei hard fan prin ako nang KINGs.!! šŸ™‚

  2. dismayado ako nung huling laro nila nung sunday watch me kahit napakamahal nung tiket buy pa rin ako nung matapos ung 3rd quarter ok na to 15 points ang lanmang nung magsimula na ung 4th quarter yun na gud bye na

  3. ganun talaga mga kabarangay, halos madurog na nga yung pader ng bahay namen sa kakahampas pag nagmimintis, pag naturnover, ang ginebra, halos mamaga nga tong palad ko eh, tapos ganun lang pala, yung inaakala mo na eto na makukuha na yung panalo, wala pa rin pala, puro kantiyaw ang inabot nameng mga diehard fans dito sa fairview, pero sabi nga nila may nananalo may natatalo, at isa ang ginebra dun sa natalo, ano bang mali? at sinong nagkamali, panget naman yung manisi ka ng kapwa, siguro hindi pa ito ang time para mag champion uli ang ginebra, maraming laro, conference at season pa ang susunod, abangan nalang naten ang pagbabalik ng barangay ginebra kings…
    saludo talaga ko sa inyo mga players ng bgk, sa coaching staff at sa walang sawang suporta ng mga fans, kahit papaano lumaban tayo….hanggang sa muli bgk…

  4. kya cguro hndi pinxok c yancy gwa ng kapatid nya,pro xyang malaki xna maitutulong nya!anyway babawe tyo s june 2!(wlng cgnal s dubai) hehe!joke!bxta win or lose ginebra p rn!kh8 ntalo cla they stil d champ in our <3.bxta never say die!! mga kabarangay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s